^

PM Sports

Malditas pasok sa Asia Cup

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagmaldita ang Philippine Women’s National Football Team nang makasikwat ng puwesto sa 2022 AFC Women’s Asian Cups matapos  payukuin ang Hong Kong, 2-1, sa Asian Cup Qualifiers na ginanap sa JAR Stadium sa Tashkent, Uzbekistan.

Hindi pa man nagsisimula ang laban kontra sa Hong Kong, nangunguna na ang Malditas sa Group F tangan ang tatlong puntos.

Kailangan lang ng Malditas ng draw kontra  sa Hong Kong para maipormalisa ang pagpasok sa Asian Cup na idaraos sa India sa susundo na taon.

Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na nag-kuwalipika ang Malditas sa Asian Cup at ika-10 overall ng Pilipinas sa torneo.

Umiskor si Tahnai Annis sa ika-17 minuto habang nagdagdag si Chandler Blue McDaniel ng isa pa sa ika-87 minuto ng laban. Tanging si Chung Pui Ki ang nakapuntos para sa Hong Kong sa ika 61 minuto.

vuukle comment

FOOTBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with