^

PM Sports

Petecio ayaw nang padanasin ng hirap ang pamilya

Russell Cadayona - Pang-masa
Petecio ayaw nang padanasin ng hirap ang pamilya
Nesthy Petecio.

MANILA, Philippines — Ayaw ni Olympic Games silver medalist Nesthy Petecio na maranasan ng kanyang pamil-ya ang hirap na pinagdaanan niya.

Kaya naman inilaan niya ang ilang bahagi ng kanyang cash incentives pati na ang mga regalong condominium unit at house and lot sa kanyang mga magulang at kapatid.

“Ayaw ko pong maranasan po ng mga pamangkin ko iyon na nakatira lang kami sa mga trapal, sa puno ng rambutan po,” sabi ng tubong Sta. Cruz, Davao del Sur. “So gusto ko na maganda ‘yung bahay na matutuluyan nila, na okay po sila.”

May cash incentives na tig-P5 milyon si Petecio mula sa Philippine Sports Commission (PSC), MVP Sports Foundation (MVPSF) at San Miguel Corporation (SMC).

Hindi pa kasama rito ang tig-P2 milyon galing kina Pangulong Rodrigo Duterte at House Deputy Speaker Mikee Romero, isang condo sa Davao City at  mga house and lot sa Tagaytay City at Candelaria, Quezon.

“Sa mga bahay po na ibibigay, sa condo, nakapangalan na po sa mga kapatid ko. Nakalaan na po sa kanila,” sabi ng 29-anyos na amateur pug.

Idinagdag ni Petecio na uunahin muna niya ang pangangailangan ng kanyang pamilya bago isipin ang kanyang sarili.

“Iyong mga incentives po na matatanggap ko, nakalaan po ‘yun sa pamilya ko,” ani Petecio, “Kapag okay na po sila, kapag nakikita ko pong puwede nang hindi po ako magsuporta, saka po ‘yung sarili ko, saka po ‘yung mga gusto ko.”

vuukle comment

NESTHY PETECIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with