Kiefer Ravena puwede nang lumaro sa Japan
MANILA, Philippines — Puwede nang maglaro si Kiefer Ravena para sa Shiga Lakestars sa Japan B. League ayon sa mother club nitong NLEX at PBA mismo matapos ang ginanap na press conference kahapon.
“NLEX is happy to announce that an agreement has been reached with the PBA to allow Kiefer to play in the Japan B League for one season,” anang koponan sa presser na dinaluhan ni Ravena, NLEX official Ronald Dulatre, Atty. JD Garcia at Commissioner Willie Marcial.
Sa ilalim ng resolusyon matapos ang negosasyon ni Ravena at ng NLEX kay Marcial at sa PBA Board of Governors ay tatapusin niya muna ang NLEX campaign sa idinaraos na 2021 PBA Philippine Cup bago samahan ang Shiga.
Dahil naman sa pinayagan si Ravena na pumirma ng kontrata sa ibang team at liga kahit pa may live contract pa sa NLEX ay papatawan ng PBA ang Road Warriors ng multang hindi na idinetalye pa ang halaga.
- Latest