^

PM Sports

Gilas pa-Jordan para sa pocket tournament

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tutulak pa-Jordan ang Gilas Pilipinas ngayong linggo para sa King Abdullah Cup na bahagi ng kanilang paghahanda para sa 2021 FIBA Asia Cup sa Indonesia sa susunod na buwan.

Makakaharap ng Nationals ang host team na Jordan, Saudi Arabia, Egypt at Tunisia sa pocket tournament na lalarga mula Hulyo 25 hanggang Agosto 3.

Malaking bagay ang friendly games na ito sa Gilas para sa todong preparasyon sa Asia Cup sa Agosto 17-29 kung saan makakaharap nila ang iba pang Asian powerhouses na Iran, China, Japan, South Korea, New Zealand at Australia.

Kasalukuyang nagsasanay sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna ang 19-man Gilas training pool matapos ang saglit na pahinga mula sa magkasunod na kampanya sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pampanga at FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Serbia noong nakaraang buwan.

Winalis ng Gilas ang Group A ng Asia Cup Qualifiers upang pormal na makapasok sa Asia Cup proper bago nakipagsabayan sa world superpowers na Serbia at Dominican Republic sa OQT.

Labing-lima lang mula sa 19-man pool ang dadalhin ng Gilas sa Jordan sa gabay ni head coach at program director Tab Baldwin.

 

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with