^

PM Sports

Nets nakauna sa Bucks

Pang-masa
Nets nakauna sa Bucks

NEW YORK — Sa kabila ng pagkakaroon ni James Harden ng right hamstring injury sa pagsisimula ng first period ay nagawa pa rin ng Brooklyn Nets na talunin ang Milwaukee Bucks, 115-107 sa Game One ng kanilang Eastern Conference semifinals series.

Humataw si Kevin Durant ng 29 points at 10 rebounds habang may 25 markers at 8 assists si Kyrie Irving para sa 1-0 abante ng Nets sa kanilang best-of-seven semis duel ng Bucks.

Dahil sa nasabing injury ay hindi na nakabalik si Harden sa laro.

Nagdagdag si Joe Harris ng 19 points at humakot si Blake Griffin ng 18 points at 14 rebounds para sa Brooklyn na kinuha ang 59-48 abante sa huling 3:22 minuto sa second quarter.

Sa likod ni Giannis Antetokounmpo, humakot ng 34 points at 11 rebounds, ay nakadikit ang Milwaukee sa 61-63 sa halftime.

Pitong sunod na puntos, kasama rito ang isang three-point shot, ang iniskor ni Durant para muling ilayo ang Nets sa 98-82 sa nalalabing 5.1 segundo ng third period na kanilang inalagaan hanggang sa final canto.

Nagdagdag si Brook Lopez ng 19 points para sa Bucks at may 17 at 13 markers sina Jrue Holiday at Khris Middleton, ayon sa pagkakasunod.

Sa Philadelphia, sisimulan ngayon ng 76ers ang kanilang semis series ng Atlanta Hawks kung saan hindi pa tiyak kung maglalaro si center Joel Embiid dahil sa right knee injury nito.

Sinibak ng 76ers ang Washington Wizards, 4-1, at pinatalsik ng Hawks ang New York Knicks, 4-1, sa first round.

Sa Los Angeles, magtutuos ngayon ang Clippers at Dallas Mavericks sa Game Seven para sa karapatang hamunin ang Utah Jazz sa semis.

Dinuplika ni Kawhi Leonard ang kanyang playoff career high na 45 points sa 104-97 paggupo ng Clippers sa Mavericks sa Game Six para ipuwersa ang ‘winner-take-all’.

Umabante ang Jazz sa semis makaraang pabagsakin ang Memphis Grizz-lies, 4-1 sa first round.

 

vuukle comment

BUCKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with