OTBs bukas na rin
MANILA, Philippines — Dahil nasa General Community Quarantine (GCQ) na ang National Capital Region (NCR) at Cavite ay diretso na ang pagbubukas ng Off-Track Betting stations (OTBs).
Ayon kay Philippine Racing Commission chairman Reli De Leon, tuluy-tuloy na ang pagbubukas ng OTBs at magandang balita ito sa mga karerista lalo na’t may karera ngayong araw sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
“Nasa GCQ na ang NCR at Cavite noong May 15 at 16 kaya nagkaroon ng OTB,” saad ni De Leon sa naganap na Philippine Sportswriters Association, (PSA) online edition. “Kaya tuluy-tuloy na ang operation ng OTBs,”
Nahinto ang karera noong Marso 20 at kababalik lang sa aksyon noong May 13.
Sa ngayon tuwing Huwebes hanggang Linggo muna ang karera na ikakasa sa tatlong race tracks-- San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite; Metro Turf sa Malvar, Batangas at Santa Ana Park sa Naic, Cavite kung saan pitong races ang pakakawalan ngayon.
- Latest