^

PM Sports

Olympic boxers ‘di pa sigurado sa Asian Championships na nilipat sa Dubai

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pag-aaralan ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) kung lalahok o hindi sa Asian Elite Men and Women Championships matapos ilipat ang torneo sa Dubai dahil sa paglobo ng mga kaso ng nagpopositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa India.

Sinabihan na ni ABAP president Ricky Vargas si secretary-general Ed Picson na tingnan ang kanilang gagastusin sa paglahok nina Olympic Games qualifiers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam sa nasabing torneo  na naunang nakaschedule sa New Delhi, India.

“We will make that determination in a few days,” sabi ni Picson sa boxing meet na nakatakda sa Mayo 21 hanggang Hunyo 1.

Nauna nang ibinasura ng Philippine Sports Commission (PSC) ang request ng ABAP na suma-bak sa torneo sa New Delhi dahil sa pagsipa ng COVID-19 cases.

Umaasa si Vargas na bibigyan sila ng ‘go signal’ ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez para sumali sa nasabing boxfest sa Dubai na magiging tune-up ng apat na Tokyo Olympics bound boxers.

Nakauwi na si Marcial sa Zamboanga City para makasama ang kanyang tatay at kapatid matapos ang six-month training sa Los Angeles, California.

Kasalukuyang nasa training camp sa Muaklek, Thailand sina Magno, Petecio at Paalam kasama ang iba pang national boxers na naghahanda naman para sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre.

Sinabi kamakailan ni Marcial na hihilingin niya sa ABAP na magsanay na lamang siya sa Zamboanga City kasama ang isang national coach imbes na magtungo sa Thailand para makaiwas sa COVID-19.

vuukle comment

BOXING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with