Philippine fencers nalagas sa Olympic qualifying
MANILA, Philippines — Isa-isang nalagas ang mga national fencers sa nilahukang Asia Oceania Olympic Qualifiers sa Tashkent, Uzbekistan.
Nabigong makatusok ng tiket sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sina 2019 Southeast Asian Games gold medalists Jylyn Nicanor at Hanniel Abella, Nathaniel Perez, Samantha Catantan, Noe-lito Jose at CJ Concepcion.
Yumukod si Nicanor kay Lim Wai Lam ng Hong Kong, 12-15 sa quarterfinals ng women’s saber habang nakatikim si Abella ng 3-15 pagkatalo kay Amarzaya Batsaikhan ng Mongolia sa women’s epee.
Isang 9-15 kabiguan ang nakuha ni Perez kay Chen Chih Chieh ng Chinese Taipei, 9-15 sa men’s foil at natalo si Jose kay Mohsin Abbas ng Iraq, 14-15 sa final 16 ng men’s epee.
Natalo si Catantan kay top seed Yana Alborova ng Uzbekistan, 10-15 sa semis ng women’s foil, samantalang isang 9-15 kamalasan ang natikman ni Concepcion kay No. 7 Alexandre Douglas ng Australia sa quarters ng men’s epee.
Nakuha ng 19-anyos na si Catantan ang bronze medal ngunit hindi ang Olympic spot.
Ang best fencer sa bawat weapon at division ang makakakuha ng natitirang mga Olympic slots.
- Latest