^

PM Sports

Tengga pa rin?

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Kasama ang PBA sa matamang maghihintay ng anunsyo ng IATF pagkatapos ng kanilang nakatakdang pagpupulong ngayong araw na ito.

Kasama sila sa umaasa na lumuwag ang quarantine status sa NCR Plus area upang magkapag-asa ang pagbubukas ng PBA Season 46 late May o early June.

Kapag lumawig pa ang lockdown at hindi nakapagsimula sa buwan ng Hunyo, baka muling ma-limit sa one-conference ang season kagaya ng nangyari noong nakaraang taon.

“Kapag nakapag-start ng May o June, puwede pa ang two-conference calendar,” ani PBA commissioner Willie Marcial.

Kung hindi makabalik sa scrimmage by May, tuloy ang sakripisyo ng mga taga-PBA--players, coaches at PBA staff members-- sa pamamagitan ng 20-percent slash sa kanilang mga suweldo.

Mas kawawa ang mga rookies dahil kahit nakapirma na sila ng kontrata pero sa kadahilanang wala pang ensayo eh wala pa rin silang suweldo.

Tengga ang lahat.

***

Nagpapasalamat at nakaarangkada na sa kanilang weekend rides ang mga riders/bikers kasama ang Valenzuela group nina Dennis Alemania, Odie Chua at Kandong Pabaya.

“Laspag! Kulang sa praktis,” ani Kandong pagkatapos ng kanilang Valenzuela-Obando-Meycauayan-Bulakan-and-back ride.

 

vuukle comment

IATF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with