Wala ring karera sa March 30-31
MANILA, Philippines — Pinahaba ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ang araw ng mga ikinanselang karera.
Para masiguro ang kaligtasan ng mga hinete, horseowner, empleyado sa karerahan at karerista ay nagdesisyon ang PHILRACOM na isama na rin sa pagkansela ng karera ang petsang March 30 at 31.
“Please be informed that the Commission has decided to continue cancellation of weekday races on March 30 & 31, 2021 (Tuesday & Wednesday) in order to put in place additional safety measures for all the racing clubs and to assure the health and welfare of all industry stakeholders in view of this heightening pande-mic,” anunsyo ng PHILRACOM sa kanilang facebook account.
Kinansela ang karera simula pa noong Sabado pati Linggo.
Lunes nang kinansela rin ng PHILRACOM ang karera ng Marso 23-24, 27 at 28.
Walang katiyakan kung kailan babalik ang karera at nakaabang ang mga karerista sa anunsiyo ng PHILRACOM.
- Latest