^

PM Sports

MPBL challenges

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Saludo ako sa hangarin nina MPBL top boss Sen. Manny Pacquiao, commissioner Kenneth Duremdes at mga kasamahan na matapos ang kanilang season na matagal na nabalam ng pandemya.

Kasabay nito ang aking ramdam sa hirap na kanilang pinagdaraanan sa season resumption sa harap ng maraming restrictions at challenges.

Kasama rito ang postponement ng South final sa pagitan ng Davao Occidental at Basilan dahil sa COVID-19 case sa side ng Basilan Steel at ang masakit sa mata na North final dahil limang manlalaro lamang ang lumaro sa panig ng Makati Crunch.

Walang dudang nais nilang maghatid entertainment sa Filipino basketball fans, pero yamot at unsyami ang napala ng mga tumutok sa laban.

Humugot ng 131-54 rout ang San Juan Knights upang umusad sa national finals.

Pero matagal pa silang maghihintay habang dumaraan sa quarantine ang koponan ng Basilan bago lumaro sa South finals kontra sa Davao Occidental.

Mabigat sa bulsa ang karagdagang gastusin ng MPBL, mga koponan at sponsors sa pangyayaring ito. Sira rin ang preparas-yon ng mga koponan, lalo na ang Basilan Steel.

Nasusubok ang tatag at pasensya ng lahat, pero sigurado akong malalagpasan ito nina Sen. Pacquiao, Kume Kenneth at mga kasama.

vuukle comment

MPBL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with