^

PM Sports

Lalaki sa Ohio, 46 na araw mabubuhay sa ‘beer-only’ diet

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Ohio ang gugunitain ang Kuwaresma sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagkain at mabubuhay lamang sa pag-inom ng beer sa loob ng 46 na araw.

Ayon kay Del Hall ng Cincinnati, mabubuhay siya sa mga darating na linggo sa pag-inom lamang ng beer, tubig, kape, at tsaa.

Sinimulan na niya ang kanyang kakaibang diet nitong Ash Wednesday at nitong Biyernes pa lang ay 5.8 pounds na raw kaagad ang nabawas sa kanyang timbang.

Ayon kay Hall, tagumpay niyang nakumpleto ang beer only diet noong Kuwaresma ng 2019 at 2020, at sa bawat pagkakataon ay nakatulong daw ito upang mapabuti ang kanyang kalusugan.

Matapos daw ang Kuwaresma sa parehong taon ay nasa 40-50 pounds ang nabawas sa kanyang timbang at nag-improve rin daw ang kanyang blood pressure at cholesterol.

Ngunit hindi lang pagbabawas ng timbang ang la-yong makamit ni Hall ngayong taon sa kanyang beer diet. Umaasa rin siyang makakalikom siya ng donasyon upang makatulong sa mga restaurants at bar sa kanilang lugar na labis na naapektuhan ng pandemya.

vuukle comment

BEER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with