^

PM Sports

Malaki ang pag-asa ni Obiena

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na beses binasag ni Ernest John Obiena ang Philippine indoor pole vault record sa nilahukan niyang anim na World Athletics Indoor Tour gold event.

Kumolekta rin siya ng dalawang gold, isang silver at isang bronze medal bilang preparasyon para sa 2021 Olympic Games na gagawin sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

Ngunit ayon sa 6-foot-2 national pole vaulter, kaila-ngan pa rin niyang mapaganda ang kanyang performance para sa tsansang makapag-uwi ng medalya mula sa Tokyo Olympics. “Joined 6 indoor competitions with the ff. results,” wika ng 2019 Southeast Asian Games gold medalist sa kanyang social media post. “What it showed me is there’s still a lot more to work on.”

Inangkin ni Obiena ang gold medal sa Internationales Stadionfest Indoors sa Berlin, Germany mula sa kanyang nilundag na 5.80 metro para sa bagong Philippine indoor record noong Pebrero 5.

Dinuplika niya ito sa PSD Bank Indoor Meeting nang magposte ng 5.65m sa Dortmund noong Pebrero 7 sa Germany bago ang silver medal sa Orlen Cup sa Lodz, Poland kung saan niya muling itinala ang bagong national indoor pole vault record na 5.86m noong Sabado.

Sa kanyang pinakahuling World Athletics Indoor Tour gold event ay tansong medalya ang pinitas ni Obiena sa kanyang inilistang 5.80m sa 2021 Copernicus Cup sa Torun, Poland para sa kanyang ikaapat na podium finish ngayong taon.  

 

vuukle comment

ERNEST JOHN OBIENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with