^

PM Sports

NLEX mahigpit ang kapit sa kanilang draft picks

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang plano ang NLEX na pakawalan ang kanilang mga first round picks sa nalalapit na 2021 PBA Rookie Draft kapalit ng anomang trade package.

Mismong si head coach Yeng Guiao ang sumiguro na mananatili sa Road Warriors ang No. 3 at No.4 picks nila sa malalim at hitik sa ta-lentong draft pool upang mapalakas lalo ang core ng team.

Matunog ang NLEX bilang trade target ng ilang koponan sa mga nakalipas na buwan dahil sa dalawang first round picks nila mula sa eighth place finish sa 2020 Philippine Cup at sa trade package mula sa Blackwater nang pakawalan si Poy Erram noong nakaraang taon.

“Malabo iyon. Hindi natin bibitiwan ang first round picks natin. Gusto kong i-preserve ‘yung No. 3 and No.4 picks namin,” ani Guiao, na nagsisilbi ring general manager ng NLEX.

Dadagdag ang dalawang picks ng NLEX sa solidong core nito sa pamumuno nina Kiefer Ravena, Kevin Alas at JR Quiñahan matapos ding maselyuhan ang contract extension ng mga role players na sina Raul Soyud, Mike Miranda, Ken Ighalo, Paul Varilla, Kris Porter, Philip Paniamogan at Will McAloney.

Ilan sa mga umuugong na pangalang puwedeng sikwatin ng NLEX sa back-to-back picks ay sina NCAA Calvin Oftana, Will Navarro, Larry Muyang, Santi Santillan, Troy Rike, Alvin Pasaol at Ben Adamos.

Bagama’t hanap ng NLEX ang solidong big man at ang best availa­ble talent ay wala pang partikular na target ang koponan habang hindi pa final ang listahan ng 97 rookie applicants, ayon kay Guiao.

Binigyan ng PBA ng hanggang Marso 5 na extension ang mga Fil-Foreigner applicants upang ipasa ang kulang nilang dokumento bago ma-finalize ang mga eligible aspirants  sa PBA Draft sa Marso 14.

Patunay din na stayput sa koponan ang picks nila ay ang  #NLEXArangkada Online Assist Contest para sa mga fans na makakahula kung sino ang mapipili nila bilang 3rd at 4th overall draft pick.

Magwawagi ng laptops at tablets ang mga lucky winners na donasyon mismo nina Guiao at ng lahat ng Road Warriors para sa adbokasiyang makatulong sa online learning ngayong pandemya.

 

vuukle comment

NLEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with