^

PM Sports

Gilas pathway

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Wala akong duda na swak na sa banga na lalaro ang Gilas Pilipinas bilang guest team sa parating na PBA Philippine Cup.

Kailangan lumaro nang lumaro ng Gilas Pilipinas sa kung saan-saang torneo kung nais ng SBP na tumulin ang proseso ng pagpapahinog sa mga miyembro ng national pool.

Pagpapahinog at pag-develop ng chemistry sa loob at labas ng playing court ng Gilas players ang siguradong maghahatid ng malaking impact sa kanilang ilalaro sa 2023 World Cup sa harap ng Pinoy basketball fans.

Ika nga ni coach Yeng Guiao at iba pang basketball experts, walang pupuntahan ang Gilas kung puro praktis at walang lalaruang tournament.

Sigurado naman na nasa plano ito ng SBP kaya nga’t inawat nila agad ang pagtalon ng ilang premyadong amateur players sa PBA upang magsilbi muna sa national team. Iyon ang successful model ng Northern Cement.

Kahit papaano, gumawa rin ng ingay ang original Gilas team sa pagsunod sa kaparehong model. Exposure doon, exposure dito. Hugot ng experience doon, kuha ng experience dito.

‘Yan ang pathway na nararapat at inaasahang daanan ng Gilas tungo sa pagsalang sa 2023 World Cup.

 

vuukle comment

GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with