^

PM Sports

Alex Gonzaga, pinagtulungan nina Valdez, Gumabao at Daquis

Chris Co - Pang-masa
Alex Gonzaga, pinagtulungan nina Valdez, Gumabao at Daquis

MANILA, Philippines — Walang nagawa si Alex Gonzaga nang pagtulungan ito nina volleyball stars Alyssa Valdez, Michele Gumabao at Rachel Anne Daquis.

Tagaktak ang pawis ni Gonzaga matapos ang volleyball training na ibi-nigay ng tatlong mahuhusay na volleyball players.

Umani na ng halos 4 million views ang training video na nakapost sa YouTube channel ni Gonzaga.

Sa naturang video, nag-share sina Valdez, Gumabao at Daquis ng tips sa volleyball basics.

Nagbiro pa si Gonzaga na mala-Leila Barros ang laro nito sa court.

“Nagkagulatan din sila na Leila Barros pala ako sa court,” ani Gonzaga.

Sumikat ng husto si Barros na isang  Brazilian volleyball star na unang nasilayan sa Pilipinas noong 1999 FIVB Wo-men’s World Volleyball Grand Prix na ginanap sa Philsports Arena sa Pasig City.

Gaya ni Barros, kaliwete rin si Gonzaga.

Kasama sa mga itinuro nina Valdez, Gumabao at Daquis ang tamang dig pass, overhead set, blocking, spiking at service.

May ilang pagkaka-taon pa na na-block ni Gonzaga ang ilang banat ni Valdez.

“Sa totoo lang pangarap ko talaga mag-volleyball. ’Yung mga ginawa ko, ngayon ko lang nagawa. Idol ko kayo dahil grabe ang disiplina ng mga atleta,” ani Gonzaga.

 

vuukle comment

ALEX GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with