^

PM Sports

Gilas pumasok na sa bubble

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Gilas pumasok na sa bubble
Norman Black, Sandy Arespacochaga at Caloy Garcia

Coach Black, Garcia at Arespacochaga isinama

MANILA, Philippines — Pumasok na sa training bubble sa Calamba, Laguna ang Gilas Pilipinas cadets kasama ang tatlong bagong coaches kahapon upang maagang makapaghanda sa huli at ikatlong window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero.

Unang batch ng trainees sa Inspire Sports Academy sa Calamba Laguna sina Isaac Go, Matt Nieto, Rey Suerte, Mike Nie-to, Will Navarro, Calvin Oftana, Kemark Carino, Dave Ildefonso at magkapatid na Juan at Javi Gomez De Liaño.

Sinamahan sila nina Kiefer Ravena bilang unang pro player mula sa PBA gayundin si Ange Kouame na ang naturalization papers ay nakabinbin pa sa Kongreso.

Susunod ang iba pang kadete habang hindi muna makakasama sina Allyn Bulanadi bunsod ng kanyang shoulder injury at Jaydee Tungcab na nakatakdang maglaro sa Japan B. League Division II.

Sa Enero 22 naman inaasahang susunod ang ikalawang batch ng trainees na bubuuin ng mga bigating pro players na ni-request ng SBP sa PBA.

Mangunguna sa training camp sina head coach Jong Uichico at program director Tab Baldwin na sasamahan nina Meralco coach Norman Black, Rain or Shine mentor Caloy Garcia at TNT deputy Sandy Arespacochaga.

Idinagdag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas kamakalawa ang tatlong batikang mentors mula sa PBA upang masiguro ang swabeng preparasyon ng Nationals sa krusyal na window sa Pebrero 18-22 sa Clark bubble sa Pampanga.

Pagbabalik ito ni Black sa Gilas matapos magsilbing head coach ng Sinag Pilipinas noong 2011 SEA Games at maging assistant ni Chot Reyes sa Gilas hanggang 2018.

Si Garcia naman ay assistant ni Yeng Guiao sa 2018 Asian Games, 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers at mismong World Cup habang naging deputy ni Mark Dickel sa unang window ng Qualifiers noong Pebrero si Arespacochaga na head coach din ng Gilas Pilipinas Youth team. 

May hawak na 3-0 baraha ang Gilas sa Group A at isang panalo na lang ang kailangan sa South Korea at Indonesia upang makapasok sa Asia Cup na idaraos sa Jakarta City sa Agosto. 

vuukle comment

NORMAN BLACK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with