^

PM Sports

SBP, PBA magpupulong para sa final gilas pool

Chris Co - Pang-masa
SBP, PBA magpupulong para sa final gilas pool
Willie Marcial at Al Panlilio

MANILA, Philippines — Magpupulong sa linggong ito ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at Philippine Basketball Association (PBA) upang ma-finalize ang listahan ng PBA players na huhugutin para sa third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.

Mag-uusap sina SBP president Al Panlilio at PBA commissioner Willie Marcial para maplantsa ang pinal na listahan ng PBA players na isasama sa Gilas Pilipinas pool. Nakuha na ni Marcial ang ‘wish list’ ng SBP kung saan isa-isa nang kinakausap ng PBA ang mga players gayundin ang kani-kanyang team owners.

Sa oras na makumpleto ang pakikipag-usap ng PBA sa mga kandidatong players, saka lamang ilalabas ng SBP ang pinal na listahan ng pool na papasok sa bubble training sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Ipinaliwanag ni Panlilio na hindi muna pina-ngalanan ang mga PBA players na nasa wish list na posibleng tumanggi ang ilan dahil muling papasok sa isang bubble setup ang Gilas pool.

Galing ang PBA players sa ilang buwang ‘pagkakakulong’ sa Clark bubble kaya’t posibleng may ilang players na nais munang namnamin ang bakasyon kasama ang kanilang pamilya.

Irerespeto ng SBP ang magiging desisyon ng mga  kandidatong -15 hanggang 18 players mula sa PBA.

Kasama rin sa pool ang 12 players na nasa Gilas Cadets na nasilayan sa aksiyon sa second window ng qualifiers na ginanap sa Manama, Bahrain noong Nobyembre.

Sinabi pa ni Panlilio na burado na muna ang pangalan ni Angelo Kouame dahil hindi na aabot ang naturalization nito para sa third window.

Nakatakdang i-host ng Pilipinas ang third window sa Pebrero 17 hanggang 22 sa Clark, Pampanga.

Haharapin ng Pilipinas ang South Korea ng dalawang beses (sa Pebrero 18 at 22) at Indonesia (sa Pebrero 20).

 

vuukle comment

WILLIE MARCIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with