^

PM Sports

Waiting na lang ang pba sa Gilas lineup ng SBP

Chris Co - Pang-masa
Waiting na lang ang pba sa Gilas lineup ng SBP
Willie Marcial

MANILA, Philippines — Nakaabang na ang PBA sa listahan ng mga PBA players mula sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa FIBA Asia Cup Qualifiers third window sa Pebrero.

Hanggang ngayon, hinihintay pa ng PBA kung sinu-sinong players ang iimbitahan para sa training camp ng Gilas na idaraos sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Nais ni PBA commissioner Willie Marcial na makuha agad ang listahan upang maabisuhan na ang mga PBA players na isasama sa pool.

“Hinihintay lang namin ‘yun. Sabi namin, ibigay kaagad sa amin kung sino mga kailangan para makausap namin ‘yung mga players. Kasi lahat nasa bakasyon,” ani Marcial sa programang Power and Play.

Pinag-aaralan pa ng SBP coaching staff sa pangunguna ni program director Tab Baldwin ang listahan na inaasahang ilalabas anumang araw ngayong linggo.

Malakas na lineup ang target na buuin ng SBP dahil matinding laban ang haharapin nito sa third window na iho-host ng Pilipinas sa Clark, Pampanga.

Dalawang beses makakasagupa ng Gilas Pilipinas ang Asian powerhouse South Korea habang isang beses naman ang Indonesia na magpaparada ng natura-lized player at Indonesian-American cager.

Maliban sa pagpili ng mga players, inaasikaso rin ng SBP ang hosting ng third window kung saan nakikipag-ugnayan na ito sa iba’t ibang sangay ng gobyerno.

Magiging kaakibat din ng SBP ang PBA sa pagtataguyod ng bubble sa Clark, Pampanga na parehong venue na pinagdausan ng matagumpay ng PBA Season 45 Philippine Cup restart.

 

vuukle comment

WILLIE MARCIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with