^

PM Sports

Pangalusian inungusan ang Super Suwerte

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinisiw ng Pangalusian Island ang liyamadong Super Suwerte upang sikwatin ang korona sa Presidential Gold Cup noong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Matapos pumangalawa noong nakaraang taon sa SuperSonic, umatake ang Pangalusian Island at inungusan ang Super Swerte sa huling 10 metro ng karera upang angkinin ang kampeonato na nagkakahalaga ng P1.8 million para sa may-ari na si Wilbert Tan.

“Talagang pang-remate siya,” pahayag ni Tan. “ Sabi ko, alalay lang sa trangko, pabibo lang sa huling kwartos, tapos ‘yung pagdadala, hindi siya dapat maipwesto agad sa paglundag. Pipigilin, tapos magpapalakas lang. Kasi kapag naipuwesto siya agad, nag-aayaw siya.”

Halos hindi nababanggit ang Panga-lusian Island dahil nakapuwesto ito sa bandang likuran subalit pagsapit ng rektahan ay biglang isinigaw ang pangalan nito dahil sa lakas ng remate.

Nahamig naman ni Super Suwerte ang second place prize na P675,000 habang napunta sa third at fourth placers na sina Wonderland at Boss Emong ang P375,000 at P150,000 ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

KARERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with