^

PM Sports

Orcollo 2020 Money Maker King

Chris Co - Pang-masa
Orcollo 2020 Money Maker King

MANILA, Philippines — Muling itinanghal na Money Maker King si dating world champion Dennis Orcollo sa taong 2020 base sa listahang inilabas ng Az Billiards.

Nakalikom ng $83,530 o halos P4 milyong papremyo si Orcollo mula sa iba’t ibang torneong nilahukan nito sa taong 2020.

Bahagyang mababa ang kinita ni Orcollo sa 2020 dahil maraming malalaking international tournaments ang nakansela dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Siyam na korona ang nasungkit ni Orcollo sa taong ito kabilang ang prestihiyosong Derby City Classic 2020 Master of the Table title kung saan nagbulsa ito ng tumataginting na $20,000.

Pinagharian din ni Orcollo ang 9-Ball Banks Division ng Derby City Classic na ginanap noong Enero para masikwat ang $16,000 top purse.

Ito ang ikalawang pagkakataon na itinanghal na Money Maker King si Orcollo. Una na noong 2017 matapos mag-uwi ng $302,810 cash prize.

Pasok din sa Top 10 ng 2020 list si Lee Vann Corteza na nasa ikasiyam na puwesto tangan ang $26,000 papremyo kabilang ang $16,000 sa kanyang kampeo-nato sa 9-Ball Pool Division ng Derby City Classic.

 Nasa No. 2 si Jason Shaw ng Scotland ($59,016), No. 3 si Billy Thorpe ng Amerika ($56,800), No. 4 si Joshua Filler ng Germany ($47,481), No. 5 si Fedor Gorst ng Russia ($40,037), No. 6 si Eklent Kaci ng Albania ($37,881), No. 7 si Albin Ouschan ng Austria ($36,523) at No. 8 si Shane Van Boening ($32,300).

vuukle comment

DENNIS ORCOLLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with