^

PM Sports

Pasay ‘Travel City’ Racefest lalarga ngayon

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bongga ang karera ngayong araw dahil sa ise-celebrate ang 7th Pasay ‘The Travel City’ Racing Festival na gaganapin sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan, Batangas.

Isa sa aabangan ng mga kareris-ta ang 7th Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano Cup na ilalarga sa race 9 kung saan may pitong kalahok ang magtatagisan ng bilis  sa 1,600 meter race.

Tiyak na patok sa takilya ang Ame-rican Factor at Tony’ Love, kampeon din sa mga stakes races, na mapapalaban sa lima pang kalahok.

Rerendahan ni class A rider Kelvin Abobo ang American Factor na target na ibulsa ang 210,000 na premyo sa event na suportado ng Philippine Ra­cing Commission, (PHILRACOM).

Ang ibang kasali ay ang Troubadour, Kick The Gear, Palibahasa lalake, Mark Of Distinction at In The Zone.

Tatanggap ng P78,750 ang pa­ngalawang kabayong darating sa finish line habang hahamigin ng third at fourth placers ang P43,450 at P17,500 ayon sa pagkakasunod.

Samantala, makikilatis naman ang Lucky Savings sa 7th Pasay City Rep. Tony Calixto Cup na pakakawalan sa race 11.

May habang 1,600 meter race, makakalaban ng Lucky Sa-vings ang mga tigasing Street Smart, Go Go Rosario, Radio Gaga, Spandau Ballet, I Love Ninetyseven at Prettiest Star.

vuukle comment

RACING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with