May panawagan si Tolentino
MANILA, Philippines — Ang kuwalipikasyon ng mga kandidato sa bawat posisyon sa Philippine Olympic Committee (POC) ang dapat pahalagahan.
Ayon kay POC incumbent president Abraham ‘Bambol’ Tolentino ng cycling, dapat lamang na ito ang pag-usapan imbes na ang batuhan ng putik kagaya ng ginagawa ng kanyang karibal na si Atty. Clint Aranas ng archery.
“Let us all deal with qualifications only,” wika ni Tolentino. “Lawyers, please act like lawyers and stick to the issues. You need not draft your papers that will induce your client to magnify matters that are out of the issue at hand.”
Hangad ng Tagaytay City Representative ang kanyang ikalawang sunod na termino sa POC elections na nakatakda sa Nobyembre 27.
Noong Biyernes ay nagsampa ng protesta si Aranas sa three-man POC election committee para ipadiskuwalipika sa eleksyon si Tolentino at mga katiket nitong sina Tom Carrasco ng triathlon, Cynthia Carrion ng gymnastics, Dr. Raul Canlas ng surfing at Dave Carter ng judo.
- Latest