^

PM Sports

Gilas pumasok agad sa Bubble

Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na nagsayang pa ng oras ang Gilas Pilipinas na lumarga agad sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna para simula ang training camp nito para sa nalalapit na 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Bahrain.

Isang araw matapos payagan ng Inter-Agency Task Force at inanunsyo ang 16-man pool, tinipon agad ni Samahang Basketbol ng Pilipinas program director Tab Baldwin ang magigiting na Nationals kasama sina coach Jong Uichico, Boyet Fernandez bukod pa  kina Alton Lister, Sandro Soriano at Andrei Tolentino.

Kumpleto ang 16-man Gilas pool na pinapamunuan ng top 5 PBA rookie picks na sina Isaac Go, Rey Suerte, Allyn Bulanadi, Matt at Mike Nieto kasama sina Kobe Paras Jaydee Tungcab, Juan at Javi Gomez De Liano ng UP, Ange Kouame, Dwight Ramos, Will Navarro at Dave Ildefonso ng Ateneo, Justine Baltazar ng La Salle, Calvin Oftana at Kemark Carino ng San Beda.

Mayroon lamang ilang araw ang Gilas upang ma-plantsa ang operations bago tumungo sa Manama City sa Nobyembre 19.

Matapos ang 100-70 panalo sa Indonesia (0-2) noong Pebrero bago ang pandemya, balak ng Gilas (1-0) na maipagpatuloy ang magandang performance sa Group A kasama ang South Korea (2-0), Thailand (0-1).

Sasagupa ang Nationals sa Thailand sa Nobyembre 26, Korea sa Nob. 28 at Thailand ulit sa Nob. 30. Posibleng All-Filipino line-up ang iparada ng Gilas lalo’t nasa proseso pa rin ang naturalization papers ni Ivorian center Angelo Kouame.

Nakabinbin ang mga panukalang batas sa Kongreso at Senado para sa kanyang naturalization na iniakda nina Congressman Robbie Puno at Senador Sonny Angara na nagsisilbi ring SBP vice-chairman at chairman, ayon sa pagkakasunod.

 

 

vuukle comment

BUBBLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with