^

PM Sports

Thirdy Ravena nag-practice na kasama ang San-En NeoPhoenix

Pang-masa
Thirdy Ravena nag-practice na kasama ang San-En NeoPhoenix
Thirdy Ravena

MANILA, Philippines — Nagsimula nang makipag-ensayo si UAAP Champion Thirdy Ravena sa San-en NeoPhoenix makaraang tapusin ang mandatory 14-day qua­rantine at inaaasahang mangyayari ang kanyang debut game sa Japan B. League sa Nobyembre 7.

Inaasahang sasalang  si Ravena sa laban ng NeoPhoenix kontra sa Shimane Susanoo Magic.

Malugod na tinanggap ng Japanese team si Ravena sa kanyang unang practice at mayroon pang photoshoot at live interview sa messaging app na Line.

Inaasahang matu-tulungan ni Ravena ang kanyang bagong team na makaangat sa pagiging kulelat sa torneo kung saan nakaka-isang panalo pa lang ang San-en kontra sa Kyoto Hannaryz, 94-75 noong Oct. 28.

Marami nang na-miss na laro si Ravena dahil nagkaproblema siya sa Japanese visa kaya nahuli siya ng dating.

vuukle comment

THIRDY RAVENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with