^

PM Sports

Bubble training

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Ipinahiwatig na ng International Olympics Committee na hindi na mapipigil ang Tokyo Olympics.

Idiniin din ni bagong Japan Prime Minister Yoshihide Suga na gagawin niya ang lahat upang maihatid ang inaabangang quadrennial meet.

At dahil nakabalik na ang maraming sports events sa iba’t ibang parte ng mundo ay mukhang hindi na nga mapipigilan sa ikalawang pagkakataon ang paghaharap ng mga premyadong atleta sa Olimpyada.

Ang siste ay lockdown pa rin ang ating mga pambatong national athletes, maliban sa gaya nina pole vaulter EJ Obiena at gymnast Caloy Yulo na sa ibang bansa nagtre-training.

Ganon na rin ang sitwasyon ni boxer Eumir Marcial dahil lumipad na pa US upang doon magpa-kondisyon.

Kaso halos lahat ng ibang atleta ay naka-tengga samantalang paparating na ang iba’t ibang Olympic qualifiers. At nariyan na rin ang Olympic proper na nakatakda sa July 2021.

Nakabalik na ang PBA. Pasimula na ang Chooks to Go 3x3. Ganoon din ang PSL beach volley.

Bukas na ang starting gate ng karerahan. At magsasabong na ang mga sabungero.

Siguro naman dapat na rin kumatok ang mga sports officials sa IATF upang ma-disinfect na ang Rizal Memorial Sports Center at PhilSports Complex at mu-ling magamit sa training ng national athletes.

Dahil bubble concept ang aprubado sa IATF, eh di ilagay din sa bubble ang training ng mga atleta.

 

vuukle comment

OLYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with