^

PM Sports

FIBA Nakabantay sa PBA Clark bubble?

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Kung magiging matagumpay at walang sabit ang PBA bubble play sa Clark Freeport Zone, may tsansa na makita rin doon ang isang FIBA Asia lockdown event.

Naibulong kay PBA commissioner Willie Marcial na matamang nagmamatyag ang FIBA sa PBA Clark event dahil naghahanap sila ng magandang modelo para sa resumption ng continental qualifiers na naantala rin ng COVID-19 pandemic.

Nauna na nilang inanunsyo ang kanilang paglipat mula sa home-and-away format tungo sa bubble concept bilang pagsunod sa rekomendasyon ng FIBA Medical Commission.

Specific nilang binanggit na bubble play ang November 2020 at February 2021 qualifiers.

Maari raw isa o dalawang qualification groups ang magsasama-sama sa isang bubble. Pero wala pang desisyon kung sino ang host countries.

Kaya nga kung magiging successful ang PBA Clark event ay maaaring mapisil ang bansa na mag-host ng bubble play sa February 2021 window.

Bracketed sa Group A ang Pilipinas kasama ang Korea, Indonesia at Thailand.

Bago sumabog ang COVID-19, nakalaro ng isang game ang Gilas Pilipinas kung saan pinatumba nila ang Indonesia, 100-73 sa kanilang teritoryo sa Jakarta.

Target lang ng Pinas ang Top Three sa kanilang grupo upang makausad sa FIBA Asia Cup proper.

Maiintindihan naman na hindi ito gaanong binibigyan importansya ng Samahang Basketbol ng Pilipinas dahil seeded na ang Gilas bilang host team sa 2023 World Cup.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with