^

PM Sports

MPBL may lugar nang tinitingnan para sa bubble

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — May mga lugar nang tinitingnan ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) para gamiting ‘bubble’ sakaling payagan na sila ng Inter-Agency Task Force (IATF) na magbalik sa aksyon.

Ilan sa mga nag-alok ay ang Smart Araneta sa Cubao, Subic at si Sen. Jinggoy Estrada na may pasilidad sa Tanay, Rizal.

“Marami talagang gustong tumulong sa MPBL,” sabi ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes. “Titingnan namin kung ano talaga ‘yung pinakamagandang lugar para i-bubble iyong four remaining teams. Ang importante talaga sa amin is ‘yung safety.”

Dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic ay nahinto ang Lakan Season ng MBPL kung saan magsasagupa sana sa dalawang ‘do-or-die’ games sa Division Finals ang Makati at San Juan sa North at ang Basilan laban sa Davao Occidental sa South.

Ang nasabing apat na koponan ang siyang ila­lagay ng MPBL sa loob ng ‘bubble’.

Sinabi ng 46-anyos na si Duremdes na magiging istrikto sila sa pagpapatupad ng health at safety protocols sakaling bigyan ng IATF ng ‘go signal’ ang MPBL.

“Mahirap mag-gamble dito dahil once na magkamali ka, once na sumablay ka, hindi lang basketball ang apektado dito. No 1 iyong health risks ng mga players, No. 2 iyong other sports baka maapektuhan din,” ani Duremdes.

“Even the PBA have to be careful dahil damay-damay lahat iyan dahil kapag may sumablay I’m sure ititigil ng gobyerno iyan. So we have to be careful,” dagdag pa ng 1998 PBA Most Valuable Player.

vuukle comment

IATF

MPBL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with