^

PM Sports

Andaming gustong mag-coach ng Tigers

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Parami nang parami ang nagkakaiteres para sa head coaching position sa University of Santo Tomas  (UST) na binakante ni Aldin Ayo.

Dumagdag na rin sa listahan ngayon sina coach Chris Gavina at Potit De Vera, ayon sa mga ulat, kasunod ng pagbibitiw sa puwesto at indefinite ban ni Ayo sa UAAP.

Sinamahan ng dalawang tacticians ang mga naunang napaulat na kandidato na sina Siot Tan-quingcen, Chris Cantonjos, Ed Cordero, Gilbert Lao at Estong Ballesteros na pawang mga dating Growling Tigers.

Kilala bilang dating head coach ng Mahindra (Terra Firma ngayon) sa PBA si Gavina simula 2016 hanggang 2018 at ngayon ay kasalukuyang assistant ni Caloy Garcia sa Rain or Shine.

Kasalukuyan siyang head coach ng Bacoor Stikers sa MPBL matapos niyang gabayan dati ang Valenzuela.

Batikang mentor naman sa collegiate hoops ang UST alumnus din na si De Vera bilang long-time coach ng TIP Engineers.

Kinukunsidera ang TIP bilang isa sa pinakamalakas na varsity prog-ram sa labas ng UAAP at NCAA bago ang pansa-mantalang pagkakabuwag nito bunsod ng economic impact ng COVID-19.

Inaasahan ang iba pang mentors na sumali rin sa coaching race ng UST lalo’t wala pang anunsyo ang Growling Tigers kung sino ang susunod na magti-timon sa koponan.

Biglang napahanap ng susunod na coach ang UST matapos malagay sa sentro ng kontrobersiya si Ayo bunsod ng posibleng quarantine protocols violation dahil sa pagsasagawa niya ng training bubble sa Sorsogon.

Nagresulta ito sa re-signation niya noong nakaraang linggo bago ang hatol  ng UAAP Board of Trustees na pindefinite ban sa anomang kapasidad sa anomang event ng liga.

 

vuukle comment

ALDIN AYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with