^

PM Sports

500-bikes na ang naipamigay ni Ho

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
500-bikes na ang naipamigay ni Ho
Gretchen Ho

MANILA, Philippines — Mula 50 bisikleta, umakyat na sa 500 bikes ang ipapamigay ng dating Ateneo Lady Eagles middle blocker at TV personality na si Gretchen Ho sa mga karapat-dapat na indibidwal mula sa 10 siyudad sa Kamaynilaan.

Noong Agosto lamang sinimulan ng volleybelle-host ang inisiyatibong ito para makatulong sa mga essential workers na makapasok sa kanilang trabaho lalo na’t mahirap ang transportasayon sa panahong ito.

Sa Instagram, inupdate ni Ho ang lahat sa naging development ng kanyang proyekto at dahil nga mga donasyon mula sa iba’t ibang organisasyon ay umakyat sa 500-katao ang nabigyan ng biskleta para makapaagtrabaho.

“Good news. From 50 bikes, I am proud to announce that we have now raised funds for 500 bikes to be given away to 10 cities all over Metro Manila. 50 from 500 bikes will be given away at random,” sabi ni Ho.

Nagpasalamat din si Ho sa lahat ng mga grupo na nagbigay ng donasyon at naglaan ng oras para makuha niya ang mas maraming bisikleta at mas marami pa ang matutulungan.

“500 bikes = 500 jobs. Thank you for being a hero to these bike recipients,” dagdag niya.

Para sa detalye sa mga gusto pang mag-donate, bisitahin ang womaninaction.ph.

 

vuukle comment

GRETCHEN HO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with