^

PM Sports

Howard wala pa ring face mask

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Howard wala pa ring face mask
Dwight Howard

MANILA, Philippines — Tila hindi pa rin natututo si Los Angeles Lakers center Dwight Howard dahil patuloy pa rin ang pagla-lakwatsa nito sa loob ng Disney World resort na walang suot na face mask.

Kamakailan lang ay na-warning-an ang eight-time NBA All-Star nang may magsumbong na hindi siya nagsusuot ng mask sa loob ng NBA bubble.

Isa si Howard sa mga na mapatawan ng parusa matapos isumbong ng ilang kapwa players sa NBA Campus Hotline na sinet-up ng liga - na ang layunin ay i-report ang players na hindi sumusunod sa health protocol na mahigpit na ipinaptupad.

Sa isang live broadcast ni Howard sa Instagram, makikita na walang face mask ang three-time NBA Defensive Player habang nasa laundry area para maglaba ng kanyang mga  damit at dining area para mag-almusal.

May mga nag-comment pang fans na hinanapan siya ng face mask at pinaalalahanan siya na suotin  ito pero natapos ang isang oras na video na wala siyang mask.

“We gonna wear a mask but I’m just all by myself and I don’t think I need to wear a mask. I’ve got a mask everywhere I go, I got my mask and I’ve got (surgical) mask and this (NBA) mask,” sabi ni Howard na ipinakita ang kanyang mga mask sa video sabay tanong sa mga nanonood kung sino ang gusto ng NBA mask.

Ipinapatupad ng NBA ang pagsusuot ng face mask at mag-social distancing ang lahat ng players, coaches at staff members sa oras na lumabas sila ng kanilang kuwarto.

Nakatakdang magbabalik ang 2019-20 season ng NBA ngayong Hulyo 30.

vuukle comment

DWIGHT HOWARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with