Helicopter law sa ngalan nina Kobe at Gianna Bryant
MANILA, Philippines — May batas na ipinangalan kina Kobe Bryant at sa kanyang anak na si Gianna na ipinanawagan ng nabyuda niyang asawang si Vanessa Bryant na ipasa ng US Congress.
Ito ay ang “Kobe Bryant and Gianna Bryant Helicopter Safety Act” na pinaniniwalaan ni Vanessa na makakatulong sa safety sa helicopter travel.
Pormal na ipinakilala sa US Congress noong Huwebes ang naturang batas na ipinangalan sa kanyang yumaong asawa at 13-anyos na anak na kasama sa siyam-kataong nasawi sa helicopter crash sa labas ng Los Angeles noong January.
“I strongly urge that the United States Congress pass a federal law that would improve the safety of helicopters operating in this country,” sabi ni Va-nessa sa isang statement via CNN. “I believe there is a chance that Kobe and Gianna would still be alive today if their helicopter had been equipped with the safety equipment required by this pending fe-deral legislation.”
Sa naturang batas, ang mga helicopters na pang-anim na tao o higit pa ay kinakailangang lagyan ng Terrain Awareness and Warning System, flight data recorder at cockpit voice recorder.
Inihayag ng National Transportation Safety Board kamakailan na posibleng disoriented si pilot Ara Zobayan nang mangyari ang crash.
- Latest