New Normal hairstyle ni Taulava
MANILA, Philippines — New hair-do ang ipinakita ni NLEX Road Warriors veteran center Asi Taulava sa fans sa kanyang ipinost sa kanyang Instagram account.
May halos tatlong buwan din tiniis ng one-time PBA MVP ang mahabang buhok dahil na rin sa pagbabawal ng mga barberya bunsod ng pandemya.
“Visited my guy at @tasaxavierville for a much needed haircut. Thanks coach @emman_monfort,” caption ng 47-year gulang na pinakamatandang active player sa PBA ngayon.
Natuwa ang ilang netizens sa bagong tabas na buhok ng 17-time PBA All-star at aprubado rin ito sa kapwa players gaya nina Paul Lee, Poy Erram Stanley Pringle at Terrence Romeo.
- Latest