Motor ni James Yap pinasulyap
MANILA, Philippines — Flinex ni Rain or Shine Elasto Painters shooting James Yap ang kanyang big bike na yellow BMW R nine T sa kanyang Instagram account.
Sa latest post ng PBA veteran player, makikita na nasa maayos pa rin na kondisyon ang kanyang motorsiklo kahit na matagal na nakatengga.
May caption na #r9tgram #r9t #r9turbangs #r9titatiumexhaustag ang litratong ipinost ng PBA MVP sa IG.
Matagal nang mahilig sa pagmo-motor si Yap at sa katunayan ay isa lang ito sa apat na big bike niya at kasama siya sa PBA Moto Club - ang club na binubuo ng ilang players na nagmomotor.
Sa ngayon ay 2,582 likes na ito at may 20 comments.
- Latest