Jordan nakahuli ng malaking isda
MANILA, Philippines — Magaling din palang manghuli ng isda si Michael Jordan.
Nakahuli ang six-time NBA champion kasama ang kanyang mga crew sa kanyang 80-foot fishing boat na “Catch 23” ng 442.3-pound blue marlin sa taunang Big Rock Blue Marlin Tournament, sa Morehead City, North Carolina, na nilalahukan ng mga anglers mula sa iba’t ibang parte ng mundo.
Pang-lima lang ang huling isda ni Jordan sa pinakamalalaking isdang nahuli sa torneo na may $3.3 million overall purse.
May dalawang araw pa ang Team Jordan bago matapos ang torneo para makahuli ng malaking isda na tatalo sa pinakamalaking huli na 494.2 pounds.
Ang pinakamalaking blue marlin na mahuhuli sa torneo ay mag-uuwi ng $1.1 million at may $550,000 prize ang unang makakahuli ng 500-pound blue marlin.
- Latest