Barroca sinulit ang libreng oras sa pamilya
MANILA, Philippines — Sinusulit ngayon ni Magnolia Hotshots point guard Mark Barroca ang kanyang libreng oras sa pamilya sa gitna ng community quarantine.
Dahil sa COVID-19 pandemic ay nahinto ang season ng PBA kaya’t halos lahat ay nasa kanilang mga bahay kasama ang mga mahal sa buhay.
Sa Instagram, shinare ng six-time PBA champion ang picture ng kanyang bunso na ka-twinning niya suot ang Gilas Pilipinas shirt.
“Ang laki na ng bunso namin. I love you so much anak,” maiksi pero sweet na caption ng two-time PBA Finals MVP.
Natuwa naman ang fans sa bonding moment ng mag-ama at nakakuha ito ng 1,275 likes at 12 komento.
- Latest