7-NSAs umaasang papayagan ng IATF na mag-training ang kanilang mga atleta
MANILA, Philippines — Magsusumite ang pitong National Sports Associations (NSAs) ng rekomendasyon at panawagan sa Inter Agency Task Force for Management of Emerging Infectious Disease kasabay ng pagpapasa ng guidelines at protocols para sa posibleng pagbabalik ng kahit training at practice lang muna ng mga atleta sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa pangunguna ni athletics president Dr. Phillip Ella Juico kasama sina exe-cutive director Sonny Barrios ng basketball, football president Nonong Araneta, secretary-general Ariel Paredes ng volleyball, Ada Milby at Jake Letts ng rugby, Richard Lim ng karatedo at Cynthia Carrion ng gymnatics, nabuo ang mga protocols sa kanilang online meetings noong nakaraang linggo sa hangaring matulungan ang mga atletang na-lockdown simula pa noong Marso.
Sa inaasahang new normal sa gitna ng coronavirus crisis, hindi dapat mapag-iwanan ang sports na makapag-adjust sa tulong ng mga protocols at guidelines na kanilang ilalatag tulad ng ginagawa sa mga sports events sa ibang bansa.
“Phased” at “calibrated” approach ang mga plano ng bawat NSAs na magsisimula sa training lang muna bago makapagdaos ng actual competitions na inaasahang susuportahan nina Phi-lippine Olympic Committee president president Abraham “Bambol” Tolentino at Philippine Sports Commission chairman William “Butch” Ramirez.
“I might recommend but it’s up to the IATF kung papayagan nila,” ani Tolentino.
“If the group can give us a copy. I can give it to PSC training director Marc Velasco and deputy executive director Atty. Guillermo Iroy then to DOH secretary Francisco Duque, and they can bring that matter for discussion in the IATF,” dagdag naman ni Ramirez.
Magugunitang kahit sa ilalim ng mas maluwag na general community qua-rantine, tanging ang non-contact sports na cycling, golf, tennis, skateboarding, swimming at badminton pa lamang ang may basbas ng IATF na makabalik sa operasyon.
- Latest