^

PM Sports

Jaylen Brown sumama sa protesta sa US

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maging ang COVID-19 pandemic ay hindi naging hadlang para sa NBA players sa pangunguna ni Jaylen Brown ng Boston Celtics upang maging bahagi ng protesta sa iba’t ibang bahagi ng United States kasunod ng pagkamatay ni George Floyd sa kamay ng awtoridad.

Mula sa Boston ay bumiyahe ng 15-oras si Brown upang samahan ang kanyang mga kababayan sa Georgia, Atlanta sa kanilang tahimik na protesta. Naroon din si Malcolm Brogdon ng Indiana Pacers.

Nag-post din si Brown ng larawan sa kanyang Instagram ng pagpapakita ng kanyang protesta kung saan hawak niya ang karatulang nakasulat ang ‘I can’t breathe.”

Kapwa Vice Presidents ng NBA Players Association sina Brown at Brogdon na ilan lamang sa NBA players na nagpakita ng kanilang suporta sa mga protesta upang wakasan na ang diskriminasyon sa naturang bansa.

Sumiklab ang mga protesta sa iba’t ibang bahagi ng Amerika noong nakaraang linggo matapos mamatay si Floyd habang nakaposas at dagan-dagan ng pulis sa kanyang leeg sa Minneapolis, Minnesota.

Ilan pa sa mga kilalang NBA players na hindi natakot magpahayag sa mga protesta sa kalye ay sina Dennis Smith Jr. ng New York Knicks at Tobias Harris ng Sixers na dumalo sa mga demonstrasyon sa North Carolino at Philadelphia, ayon sa pagkakasunod.

Nauna nang naglabas ng kanilang damdamin sa press conference at tahimik na protesta si dating NBA player na si Stephen Jackson kasama ang mga manlalaro ng Wolves na sina Karl-Anthony Towns at Josh Okogie sa Minnesota mismo.

Sa social media naman idinaan nina LeBron James ng LA Lakers, coach Steve Kerr ng Golden State Warriors, Rudy Gobert at Donovan Mitchell ng Utah Jazz ang pagkondena sa ‘di makatarungang pagkakamatay ng isa na namang African-American.

Maging ang top US sports apparel companies na Nike at Adidas ay isinantabi ang kanilang rivalry upang manawagan sa pagbabago at hustisya.

 

vuukle comment

JAYLEN BROWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with