^

PM Sports

Chery Tiggo, Generika babawi sa kabiguan

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos ang malasap ang huling kabiguan ay pakay ng Chery Tiggo na muling makabalik sa win-column, habang gusto na­mang tuldukan ng Ge­nerika-Ayala ang pagka­kalu­bog sa pagbangga sa ka­nilang mga kalaban sa 2020 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Makakalaban  ng mga Crossovers ang PLDT Home Fibr Hitters nga­yong alas-5 ng hapon at susundan ng tapatan ng Lifesavers at Marinerang Pilipina Lady Skippers sa alas-7 ng gabi.

Nabigo ang Chery Tiggo na madagit ang ika­lawang sunod na pana­lo sa torneo matapos silang walisin ng nagdedepensang Petron Blaze Spi­kers, 17-25, 22-25, 25-21, noong Sabado.

Hindi naging sapat ang 21 points ni Monte­negro hitter Tatjana Bokan para patahimikin ang Blaze Spikers na binan­derahan naman ni American swinger Khat Bell.

Aasahan muli ni head coach Aaron Velez si Bokan para pamunuan ang Chery Tiggo ka­tuwang si­na My­lene Paat, Jas­mine Na­­bor, Shaya Ado­rador, Marian Buitre at Jen Re­yes.

Samantala, pipili­tin naman ng Generika-Aya­la na tul­dukan ang ka­nilang two-game lo­sing skid at tikman ang tamis ng unang ta­gumpay sa import-la­den confe­rence.

Nalasap ng Lifesa­vers ang ikalawang sunod na kamalasan ngayong taon sa mga kamay ng Cignal HD Spikers matapos si­lang pahiyain, 25-19, 18-25, 20-25, 20-25, sa unang pag­haharap nila no­­ong Mar­so 3.

Ta­tar­getin ng tropang ma­ka­bawi sa pangunguna ni Cu­ban import Eli­za­beth Vicet Campos.

 

 

vuukle comment

CHERY TIGGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with