^

PM Sports

Gagate impresibo sa unang laro sa UAAP

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa unang pagsalang niya sa UAAP Season 82 women’s volleyball tournament ay kaagad nagpakilala ang rookie middle blocker na si Thea Gagate nang tulu­ngan niya ang De La Salle University na maiuwi ang unang panalo sa liga.

Nakapitan ng Lady Spikers si Gagate kontra sa Ateneo Lady Eagles noong Sabado matapos siyang magrehistro ng 10 points, kabilang ang 5 kill blocks.

Nagawa mang magpabilib sa kanyang senior’s debut laban sa defending cham­pions ay aminado si Gagate na kinabahan siya lalo na’t hindi siya sanay na maglaro sa harap ng malaking bilang ng mga fans.

“Hearing from the dugout pa lang like ‘yung dreams, and ‘yung crowd na puro sigaw, nakakakaba po talaga siya. Pero I just like relax myself na hindi masyadong iisipin ‘yung crowd kasi ako naman ‘yung naglalaro,” sabi ni Gagate.

“Gina-guide rin po ako ng mga ate namin na kalma lang, tapos ‘yung coa­ches. Since sila po ‘yung mas may experience kesa sa amin,” dagdag pa nito.

Naging malaking motibasyon din para sa 19-anyos at 6-foot-2 middle blocker, unang naglaro para sa Nazareth School of National University sa high school division, ang pressure na nakaatang sa kanya bilang baguhan at gusto rin ni Gagate na makatulong siya sa net defense ng Lady Spikers.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with