^

PM Sports

FEU teams dinalawahan ang UE

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
FEU teams dinalawahan ang UE
Hinatawan ni Ivana Agudo ng FEU Lady Tamaraws sina Jeneca Lana at Mariella Gabarda ng UE Lady Warriors.
PM photo ni Russell Palma

MANILA, Philippines – Tatlong sets lamang ang kinailangan ng Far Eastern University Lady Tamaraws para magarbong buksan ang unang araw ng UAAP season 82 women’s volleyball tour­­nament nang pahiya­in ang University of the East Lady Warriors, 25-8, 25-20, 25-17, kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nag-init ang senior middle blocker na si Jeanette Villareal matapos banderahan ang koponan sa likod ng kanyang 11 points mula sa 8 attacks, 2 blocks at 1 ace, habang may 10 markers si sophomore hitter Ivana Agudo.

Nakatuwang din ng tro­pa si Lycha Ebon na nag­rehistro ng 9 points at si main setter Gel Cayuna ay may 9 markers at 18 excellent sets para tapusin ang laro sa loob lamang ng isang oras at siyam na minuto.

“Thankful ako sa mga players ko kasi ang ins­truction ko sa kanila ay umpisahan natin ng ma­ganda at tatapusin natin ng maganda,” sabi ni  coach George Pascua sa kanyang Lady Tamaraws.

Naramdaman kaagad ang tikas ng Season 80 runner-up nang kontrolin ang first set sa 16-4 ben­ta­he at palobohin ito sa 24-8 patungo sa second set at sa kanilang panalo.

Nagwagi rin ang Ta­ma­raws sa Red Warriors, 25-10, 25-22, 25-23, sa men’s divison.

Tumipa si JJ Javelona 11 points para sa panalo ng Tamaraws.

 

vuukle comment

FEU LADY TAMARAWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with