^

PM Sports

Lady Blazers sure na sa semifinals

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mabilis na dinispatsa ng College of Saint Benilde ang Jose Rizal Uni­versity, 25-22, 25-13, 25-20 para masiguro ang unang silya sa Final Four ng NCAA Season 95 wo­men’s volleyball tournament kahapon sa The Are­na sa San Juan City.

Naging armas ng Lady Blazers ang balanseng ata­ke nito upang sumulong sa ikapitong sunod na panalo at makalapit sa inaasam na sweep sa eliminasyon.

Umiskor ang lahat ng pla­yers ng Benilde na ipinasok maliban sa dalawang libero na naglaro kung sa­an nanguna sa scoring sina rookies Gayle Pascual at My­cah Go na parehong may walong puntos.

Nakagawa naman ng tig-pitong puntos sina skipper Klarisa Abriam at Michelle Gamit habang bumira ng tig-anim sina Diane Ventura at Kaila Miranda.

Dalawang panalo na lamang ang kailangan ng Be­nilde para makumpleto ang matamis na sweep sa eliminasyon.

“We are happy na naka­kapag-contribute lahat ng players. Ang mindset namin ngayon, sana maging consistent kami, maging pu­lido ‘yung galaw namin sa last two games namin,” ani Benilde assistant coach Jay Chua.

Mainit ang Lady Bla­zers sa buong panahon ng la­ro matapos magpakawala ng 45 attacks laban sa 26 lamang ng Lady Bombers.

Sa ikalawang laro, si­nakmal ng San Beda Uni­versity ang University of Perpetual Help, 25-20, 25-19, 25-16, para maipuwersa ang two-way tie sa No. 3 spot.

 

vuukle comment

LADY BLAZERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with