^

PM Sports

Pinas napiling isa sa 13 host ng FIBA 3x3 World Tour

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos ang limang taon, magbabalik ang FIBA 3x3 World Tour sa Manila.

Napili ng International Basketball Fe-deration ang Philippine capital na maging isang host ng prestihiyosong 3x3 world tours ngayong taon, ayon sa schedule na inilabas kahapon.

Mismong si FIBA 3x3 director Alex Sanchez, na ilang beses nang dumalaw sa bansa, ang nag-anunsyo ng balita dahil sa malaking suporta ng basketball sa Manila.

Nakatakda ang torneo sa Mayo 2-3 sa hindi pa alam na venue.

Magsisilbing ikalawa mula sa 13 na hosts ang Pinas pagkatapos ng Doha City sa Qatar sa Abril 2-3.

Gaganapin naman ang finale ng year-long 3x3 world tour sa Riyadh, Saudi Arabia sa Nobyembre.

Matatandaang noong 2015 pa huling nag-host ng world tour ang bansa. Kampeon noon ang Manila North team na pinamunuan nina PBA players Calvin Abueva at Vic Manuel upang makapasok sa world tour finals.

Simula noon ay sumikat na sa bansa ang 3x3 nang iba’t ibang liga ang sumulpot sa pangunguna ng Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 na siyang dahilan ng pagkakapasok ng bansa sa FIBA 3x3 Olympic Qualifying Tournament sa Marso.

Magsisilbi itong daan para sa 2020 Tok-yo Olympic sa Hulyo na ikukonsidera bilang medal event sa unang beses ang 3x3 sports.

Noong nakaraang buwan lang din ay sinikwat ng Gilas Pilipinas ang double-gold sa 30th SEA Games kung saan ipinakilala ang 3x3 bilang medal event sa unang pagkakataon sa kasaysayan.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with