^

PM Sports

Leo Awards sabay sa PBA Opening

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa ikalawang sunod na taon, pagsasabayin ng PBA ang yearend Leo Awards at opening cere-monies sa Marso 1 sa Smart-Araneta Coliseum.

Inanunsyo ito ni PBA Commissioner Willie Marcial sa kasagsagan ng 2019-2020 PBA Governors’ Cup finals sa pagitan ng Ginebra at Meralco.

Noong nakaraang taon, parehong istilo rin ang ginawa ng PBA nang idaos ang end-of-season awards noong Enero 13 kasabay ng 44th season opener sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Nauwi sa ganoong format ang PBA dahil sa marami nitong breaks mula 2018 at 2019 bunsod ng Asian Games at FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Subalit sa nakalipas na season ay nagkaroon ng mas marami pang layoffs ang PBA dahil sa natitirang qualifiers ng FIBA World Cup, mismong FIBA World Cup at 30th SEA Games na magtutulak ulit sa kanila sa simultaneous events ng Leo’s at season opener.

Sa katunayan, ang hindi pa rin tapos na 44th Season ay siyang pinakamahaba sa kasaysayan na posibleng tumagal ng isang taon at siyam na araw.

Sa Enero 22 pa posibleng magwakas ang 2019 PBA Season kung aabot ng Game 7 ang season-ending conference finals.

Ayon kay Marcial, maaaring gawin na ito ng PBA taun-taon lalo’t kailangan mag-adjust sa calendar ng international tournaments ng FIBA.

Ang pinakamataas na parangal na Season MVP ang igagawad sa Leo Awards kasama ang Rookie of the Year, Most Improved Player, Samboy Lim Sportsmanship Award, All-Defensive Team, Mythical Team at Second Mythical Team.

Bago naman ang Leo’s at ang season opener ay magkakaroon muna ng Media Day ang PBA sa Pebrero 27 na gagawin na ring taun-taon ni Marcial matapos ang tagumpay nito sa unang pagdaos noong 2019.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with