^

PM Sports

Harden inihatid ang Rockets sa panalo

Pang-masa
Harden inihatid ang Rockets sa panalo

HOUSTON – Nga­yong walang injury sa ha­nay ng mga players ng Rockets ay nasasabik si James Harden sa maaari nilang marating.

Humataw si Harden ng 35 points sa kanyang pagbabalik mula sa injury para hatakin ang Houston sa 130-104 panalo laban sa Denver Nuggets.

Bukod kay Harden, nagkaroon ng sprained right toe sa kanilang ka­biguan sa New Orleans Pelicans noong Linggo, sumabak din sa ak­syon sina Clint Capela (bruised heel) at Russell Westbrook (load ma­nagement).

Muli ring nakita sa ak­­syon si Eric Gordon ma­­tapos mawala ng anim na linggo bunga ng kanyang arthroscopic knee sur­gery.

“We’ve just got to find a way,” sabi ni Harden. “It will get there. We’re not where we want to be obviously. It’s still early in the season.”

Nagdagdag si Westbrook ng 28 points.

Isang 19-3 atake ang gi­nawa ng Houston sa fourth quarter para ibaon ang Denver sa 118-96 sa hu­ling 3:30 minuto nito.

Pinamunuan ni Nikola Jokic ang Nuggets, nag­tapos ang two-game winning streak, mula sa kanyang 21 points.

Sa Toronto, tumipa si Kyle Lowry ng 24 points para sa 117-97 paggiba ng Raptors sa Cleveland Ca­­valiers.

Nagtala si Serge Iba­­­ka ng 20 points at 10 boards.

Sa Oklahoma City, umis­kor sina Danilo Gal­linari at Dennis Schro­der ng tig-20 points at na­i­konekta ni Chris Paul ang basket sa hu­ling 40.9 segundo para akayin ang Thunder sa 106-101 panalo sa Dallas Mavericks.

Sa San Antonio, nagtala si DeMar DeRozan ng 24 points para sa 117-113 overtime win sa Golden State Warriors.

vuukle comment

JAMES HARDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with