^

PM Sports

Ginebra abot-kamay na ang PBA Finals

Russell Cadayona - Pang-masa
Ginebra abot-kamay na ang PBA Finals

MANILA, Philippines – Hindi inaasahan ng NorthPort na mabilis na ma­kakalayo ang karibal na Barangay Ginebra.

Mula sa dikitang first quarter ay rumatsada ang Gin Kings sa second pe­riod at hindi na nilingon pa ang Batang Pier para sa 132-105 panalo sa Game Three ng kanilang se­mifinals duel sa 2019 PBA Governor’s Cup kahapon sa Smart Araneta Co­li­suem.

Dinuplika ng Ginebra ang nauna nilang 113-88 pananaig sa Game Two para itala ang 2-1 benta­he sa kanilang best-of-five semifinals series ng NorthPort.

Kumolekta si import Justin Brownlee ng 41 points, 11 rebounds, 7 assists, 3 steals at 3 blocks.

Nagdagdag si Japeth Aguilar ng 18 markers at 10 boards.

Lumakas din ang pag-asa ng tropa ni coach Tim Cone na pumasok sa kanilang ika-26 PBA Finals stint target ang pang-12 korona.

Ang maliit na 36-31 bentahe sa pagtiklop ng first quarter ay pinalobo ng Gin Kings sa 64-48 mula sa dalawang free throws ni Brownlee sa hu­ling 28.5 segundo nito.

Tuluyan nang nabaon ang Batang Pier sa 89-61 sa 3:46 minuto ng third quarter na lumaki sa 100-72 sa pagtatapos ng nasabing yugto.

Samantala, aminado si TNT Ka­tropa point guard Jayson Castro na hindi sila nakaporma nang ka­agad ku­ma­mada ang Me­ralco sa first quarter sa Game Two ng kanilang se­mifinals showdown kamakalawa.

“Siguro i-match lang namin ‘yung energy nila and then we have a big chance to win that game next game,” ani Castro.

Niresbakan ng Meralco ang TNT Katropa sa Game Two, 114-94, kung saan nalimitahan si Castro sa 7 points matapos hu­mataw ng 17 markers sa kanilang 103-94 pana­lo sa Game One.

Naglista naman si two-time PBA Best Import Allen Dur­ham ng triple-double mula sa kan­­yang tinapos na 44 points, 19 rebounds at 11 assists para sa Bolts.

Pag-aagawan ng TNT Katropa at Meralco ang ma­halagang 2-1 abante sa kanilang best-of-five se­­mifinals duel sa Game Three ngayong alas-7 ng gabi sa Big Dome.

 

 

vuukle comment

PBA FINALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with