JB Guce nangungunang jockey ng taon
MANILA, Philippines — Apat na former Philippine Sportswriters Association, (PSA) jockey of the year awardees at isang apprentice rider ang nasa top 5 jockeys mula Enero hanggang Nobyembre 30, 2019 na pagrenda nila ng kabayo.
Nangunguna si Jessie B. Guce, (PSA-JoY, 2012), pangatlo si John Alvin Guce, (PSA-Joy, 2018), pang-apat si reighing PSA-JoY O’Neal P. Cortez at pang-lima si Jonathan B. Hernandez, (PSA-JoY, 2013).
Nasa second place si top apprentice Pabs Cabalejo na nakapagtala ng 102 wins, 101 2nd, 95 3rd at 80 na fourth place finish.
Naikamada ni JB Guce ang 135 na panalo, 99 na segundo, 91 na tersero at 79 na fourth habang si JA Guce ay nagrehistro ng 81W, 61S, 54T at 53F.
Nilista naman ni Cortez ang 98 na panalo, 97 na second, 78 na third at 68 na fourth habang 76W, 54S, 33T at 34F ang nasikwat ni Hernandez.
Ang pagkakasunod ng limang jockeys ay base sa nahamig na panalo ng mga sinakyan nilang kabayo mula Enero hanggang Nobyembre.
Pasok sa top 10 jockeys sina Mark Angelo Alvarez, (72W, 67S, 53T, 53F), CP Henson, (76W, 57S, 67T, 60F), Jericho Serrano, (76W, 72S, 82T, 73F), EG Guerra, (64W, 68S, 68T, 79F) at JP Guce, (34W, 33T, 27T, 20F).
Galing ang listahan sa The New Philippine Jockeys’ Association Inc. at inilabas ito ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).
Sina JB Guce, JA Guce, Cortez at Hernandez ay mga class A riders.
Wala si Hernandez sa top 10 sa unang tatlong buwan na karera, pero nakahabol siya dahil muling nagpanalo at nakakasama sa timbangan ang kanyang mga sinakyan sa sumunod na buwan.
- Latest