^

PM Sports

Tigil laro sa SEA Games

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matumal ang pagda-ting ng gintong medalya sa Subic cluster ng idinaraos na 30th Southeast Asian Games dahil sa bagyong Tisoy na nagtulak sa mga venue at competition managers upang ipagpaliban muna ang ilang events.

Kinansela ang games ng sepak takraw sa Subic Gym gayundin ang muay thai sa Subic Bay Exhibit and Convention Center.

Sa umaga lang din ginanap ang beach volleyball at hindi na ipinagpatuloy pa ang ibang laro simula tanghali.

Kinansela rin ang pentathlon sa Subic Bay Boardwalk habang nilipat ng schedule ang water sports.

Mula sa original start date na Disyembre 3, ngayon na lalarga ang windsurfing at sailing sa Subic Bay Yacht Club gayundin ang rowing sa ACEA Beach Resort.

Sa Biyernes naman aarangkada ang canoe/kayak at traditional boat race sa Malawaan Park.

Sa San Juan, ‘di rin tinuloy ang esports gayundin ang polo sa Batangas, skateboard sa Tagaytay at underwater hockey sa Cavite.

Hakbang ito ng mga opisyal upang masiguro ang kaligtasan ng mga atleta lalo’t kasaluku-yang nasa signal no.2 ang Subic gayundin ang Me-tro Manila, Pampanga, La Union, Tarlac, Cavite, Laguna at Batangas na siyang main venues ng biennial games.

Bago naman ang pagtigil ng mga laro, nakapagbulsa pa ang 16-anyos na si Mary Francine Padios ng silver medal sa seni tunggal women’s division ng pencak silat. Siya ang pinakabata sa lahat ng pencak silat delegation ngayong SEA Games.

Umiskor si Padios, Palarong Pambansa gold medalist, ng 454 puntos. Kinapos siya para sa gintong medalya na nasungkit ng 2018 Asian Games winner na si Puspa Arumsari mula Indonesia. Naguwi naman ng bronze medal si Najihah Abdulla Anisah  (452) ng Brunei.

“Masaya ako para sa sarili ko at sa kanya kasi idol ko ‘yun eh, so sabi ko kahit matalo ko idol ko pa rin ‘yun,” ani Padios sa kanyang idolong si Arumsari.

vuukle comment

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with