^

PM Sports

Thirdy Ravena umatras sa PBA Draft

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Thirdy Ravena umatras sa PBA Draft
Thirdy Ravena

MANILA, Philippines — Matapos kargahin ang Ateneo Blue Eagles sa ikatlong sunod nitong kampeonato sa UAAP men’s basketball, nagpasya si Thirdy Ravena na umatras sa taunang PBA Rookie Draft.

Isa si Ravena sa matunog na manlalaro na maaring maging number one overall draft pick ngayong taon na gaganapin sa Disyembre 8.

Kinumpirma mismo ni PBA Commissioner Willie Marcial ang nasabing desisyon ng three-time UAAP Finals MVP pero pinayuhan niya ito na dapat sa susunod na taon ay magpa-draft na ito.

“I wished him the best. I told him to do what he thinks is best for him and his family. Pero sabi ko sa kanya, dapat next year magpa-draft na siya,” sabi ni Marcial.

Ayon sa sources, isa sa mga dahilan kung bakit umayaw sa rookie draft ang nakababatang Ravena ay ang kagustuhan nito na mas paigihin pa ang kanyang sarili at posilibidad na pagsasanay sa ibang bansa.

Dagdag pa rito ay may mga liga sa mga bansang Japan at Australia ang nag-alok kay Ravena para maglaro sa kanila.

May 71 rookie aspirants ang maglalaban para sa puwesto sa pro-league, pangungunahan nina Letran captain Jerrick Balanza, San Sebastian gunner Allyn Bulanadi, UE scoring machine Rey Suerte at sina Matt at Mike Nieto at Isaac Go ng Ateneo.

Nanakaw ng Columbian Dyip ang top pick ng draft at nasa ikalawang spot ang Blackwater Elite habang nasa ikatlong puwesto ang NLEX Road Warriors.

vuukle comment

THIRDY RAVENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with