^

PM Sports

Men’s beachvolley team nagpasiklab

Chris Co - Pang-masa
Men�s beachvolley team nagpasiklab

MANILA, Philippines — Nagparamdam agad ng lakas ang men’s national team matapos ilampaso ang dalawang koponan ng Timor Leste sa pagsisimula ng 30th Southeast Asian Games beach volleyball competitions kahapon sa Subic Tennis Courts.

Unang umarangkada sina Philippines-1 bets James Buytrago at Jaron Requinton na nagtala ng 21-13, 21-16 panalo laban kina Robson Xavier at Christian Jean ng Timor Leste-1.

“First set pa lang tini-tingnan na namin weaknesses nila, saka ‘yung mga kakayahan nila at nag-usap kami ng partner ko about sa adjustment. Unang set ramdam na namin at sa galaw pa lang alam na namin,” ani Buytrago.

Agad namang sumunod ang Philippines-2 pair nina Jude Garcia at Edmar Bonono na inilampaso sina Silvano Aduauo at Denyanos Belo ng Timor Leste-2 sa pamamagitan ng 21-7, 21-16 demolisyon.

Malaking tulong para sa Pinoy spikers ang suportang ibinigay ng mga Pilipinong nanood sa venue.

“Maraming mga nanood na kababayan na kahit na taga-malayo sila, nagdala pa ng flag nakakaboost ng confidence,” ani Buytrago na Bachelor of Physical Education student sa National University.

Sa women’s division, hindi pinalad sina Philippine Superliga champions Sisi Rondina at Bernadeth Pons matapos lasapin ang gitgitang 18-21, 21-16, 13-15 gitgitang kabiguan kina Asian Games Bronze medalist Dhita Juliana at Putu Utami ng Indonesia.

Bigo rin sina Dzi Gervacio at Dji Rodriguez na yumuko kina Indonesians Desi Ratmasari at Allysah Mutakharah, 14-21, 16-21.

Sa ice skating competition, pumuwesto sa unahan ng ranking si Alisson Krystle Perticheto sa short program ng wo-men’s figure skating competition kahapon sa SM Megamall Skating Rink.

Nagtala ang 2017 SEA Games bronze medallist na si Perticheto ng 53.65 puntos.

Pumangalawa lamang si Chloe Ing ng Singapore na may 50.67 puntos kabuntot si Savika Refa Zahira ng Indonesia sa ikatlo tangan ang 32.62 puntos.

Pumangsiyam si Pinay skater Cirinia Gillett na nagtala ng 20.93 sa kaniyang debut sa SEA Games.

Sa men’s class, maganda rin ang puwesto ng Pinoy bets na sina Christopher Caluza na may hawak na 62.37 puntos para sa ikalawa at Edrian Paul Celestino na may nakuhang 61.52 sapat sa ikatlo.

Nangunguna si Julian Zhi Jie Yee ng Malaysia na nagrehistro ng 63.35 puntos.

Gaganapin naman ang free skate program bukas (Linggo) sa parehong venue.

vuukle comment

30TH SOUTHEAST ASIAN GAMES

BEACH VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with